Hardin ng Panalangin

ni Sinagtala

Halika sa aking hardin

At masdan ang aking mga pag-aari

May mga nasa itaas at mayroon ding mga nasa ibaba –

Lahat ay ayon sa aking pamimili.

Haplos ko’y nakapaghahatid

Ng nakapangliliyong pagkitil

Kaya’t ang sumalungat sa’king hangin

Ang siyang una kong pipitasin.

Halika sa aking hardin

At sambitin mo na ang iyong mga panalangin

Dahil sa delubyong ito, ako’y walang sasantuhin

Patay na kung patay,

Basta’t ang sisi ay hindi sa akin.

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Free

Distraction-free reading. No ads.

Organize your knowledge with lists and highlights.

Tell your story. Find your audience.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

No responses yet

Write a response